2016
Matapang si Kapitan Moroni
July 2016


Mga Bayani sa Aklat ni Mormon

Matapang si Kapitan Moroni

Larawan
captain-moroni-was-brave

Pinamunuan ni Kapitan Moroni ang hukbo ng mga Nephita. Gustung-gusto niyang sundin ang Ama sa Langit. Tinulungan niya ang mga sundalong Nephita na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga Lamanita. Ipinaalala niya sa kanila ang mga pagpapala ng Ama sa Langit. Ipinaalala niya sa kanila ang kanilang kalayaan at kanilang pamilya para tumapang sila.

Maraming bata sa paaralan ang gumagamit ng hindi magandang pananalita na hindi komportable sa akin. Nagdasal kami ni Inay para humiling ng lakas-ng-loob at para malaman kung ano ang pinakamagandang gawin. Kinabukasan, nang gamitin nila ang pananalitang iyon, magalang kong sinabi na, “Huwag na sana ninyong gamitin ang mga salitang iyan. Hindi ako komportableng marinig iyan.” Sabi nila, “OK, sori.” Sumaya ang kalooban ko dahil diyan, at natutuwa akong malaman na tutulungan ako ng Ama sa Langit kapag humingi ako ng tulong.

Bella T., edad 10, Virginia, USA

Grant L., edad 10, Florida, USA