2016
Ang Kaibhang Nagagawa ng mga Teacher Council Meeting
July 2016


Ang Kaibhang Nagagawa ng mga Teacher Council Meeting

Ang awtor ay naninirahan sa Scotland.

Higit pa sa pagtuturo ko ang binago ng isang komentaryo sa isang teacher council meeting.

Larawan
teacher-council-meeting

Ang mga teacher council meeting ay nakakatulong kay Sandra Cattell (gitna) na pagbutihin pa ang kakayahan niyang magturo.

Medyo matanda na ako, kaya nang tawagin akong magturo sa Young Women, naisip ko, “Naku naman! Bakit kaya ako ang tinawag nila?”

Pinagsikapan kong mabuti ang paghahanda ng mga lesson na angkop para sa mga pangangailangan ng young women, at inasam ko na maging handa silang ibahagi ang kanilang natutuhan at nagawa rito sa buong linggong iyon. Pero kadalasa’y sinasalubong ng katahimikan ang mga tanong ko.

Sa isa sa mga unang teacher council meeting ng ward namin, sinabi ng isa sa mga guro na siya man ay nahirapang makipag-ugnayan sa mga kabataan sa oras ng mga lesson. Sinabi ng isa pang guro sa miting, “Puwede naman silang tumahimik.” Kung minsa’y kailangan ng mga tao ng kaunting panahon para pag-isipan ang tanong bago sumagot.

Ang komentaryong iyon sa teacher council meeting ay gumawa ng kaibhan hindi lang sa paraan ng pagtuturo ko kundi pati na sa mga estudyante ko. Pinag-isipan ko itong mabuti. Nang sumunod kong Young Women lesson, tinanong ko ang klase kung anong alituntunin ng ebanghelyo ang naipamuhay nila sa buong linggong iyon. Tulad ng dati, tahimik sila. Pero sa halip na basagin kaagad ang katahimikan, naalala ko ang talakayan namin sa teacher council meeting at mahina kong sinabi, “Hindi ko kayo minamadali.”

Nang sabihin ko iyon, nagsimula na silang magsalita. Nagsimulang magsalita ang young women, at nagbahagi sila ng magagandang karanasan. Ginusto kong pasalamatan kaagad ang gurong nagbigay ng simpleng komentaryong iyon sa teacher council meeting tungkol sa katahimikan. Namangha ako kung paano nakagawa ng malaking kaibhan ang pagsunod sa isang alituntuning iyon.

Pero matagal bago ko natanto ang kaibhang ginagawa niyon at ng iba pang mga alituntuning natututuhan ko. Pagkatapos magsimba sinabi sa akin ng ina ng isa sa young women na sinabi raw ng kanyang anak na alam niya na ako ay tinawag ng Diyos.

Hindi ko masasabi sa inyo kung gaano kaespesyal sa akin ang marinig ang komentaryong iyon. Naroon ako’t nag-iisip, “Ano ang ituturo ko sa young women na ito?” Pero may naituturo naman siguro ako sa kanila. Tinawag ako para sa isang layunin, at tinutulungan ako ng mga teacher council meeting na tuparin ang layuning iyon.