2016
Mga Ideya para sa Family Home Evening
July 2016


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

“Tulad ng Balo ng Sarepta: Ang Himala ng mga Handog-Ayuno,” pahina 24: Isiping basahin ang artikulong ito nang sama-sama bilang pamilya at pagkatapos ay pag-aaralan ang kuwento ng balo ng Sarepta sa I Mga Hari 17. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na mga tanong: Paano tayo pinagpapala ng pag-aayuno bilang indibiduwal at bilang pamilya? Sino ang mapagpapala ng ating mga handog-ayuno? Anong mga pagpapala ang makikita natin sa ating tahanan dahil sa pagbibigay natin ng mas malaking handog-ayuno? Maaari ninyong pag-usapan ang posibilidad ng pagbibigay ng mas malaking handog-ayuno o ang iba pang mga paraan na matutulungan ninyo ang mahihirap at nangangailangan bilang isang pamilya.

Larawan
mom-coloring-with-daughter

“Ang Bandila ni Kapitan Moroni,” pahina 76: Maaari ninyong basahin ang tungkol kay Kapitan Moroni sa artikulong ito nang sama-sama bilang pamilya. Pagkatapos ay maaari ninyong basahin ang Alma 46:11–14 at pag-usapan kung ano ang naghikayat kay Kapitan Moroni na ipagtanggol ang kanyang mga tao—“ating Diyos, ating relihiyon, at kalayaan, at ating kapayapaan, ating mga asawa, at ating mga anak.” Ang mga ito ay mahalaga at inaatake pa rin sa panahong ito. Isiping gumawa ng sariling “bandila ng kalayaan” sa inyong pamilya at pag-usapan ang mga paraan para madepensahan ang mga bagay na pinakamahalaga sa inyo.