Para sa Lakas ng mga Kabataan
Paano tayo nabubuhay sa mundo at “[isinasantabi] muna ang mga bagay ng daigdig na ito”?
Marso 2025


Tuwirang Sagot

Paano tayo nabubuhay sa mundo at “[isinasantabi] muna ang mga bagay ng daigdig na ito”?

Inoordenan ni Jesucristo ang mga disipulong Nephita

The Disciples Whom He Had Chosen [Ang mga Disipulong Kanyang Pinili], ni Casey Childs

Sinabi ng Panginoon, “Isantabi muna ang mga bagay ng daigdig na ito, at hangarin ang mga bagay na mas mabuti” (Doktrina at mga Tipan 25:10). Hindi ito nangangahulugan na binabalewala natin ang ating temporal at materyal na mga pangangailangan, ngunit nangangahulugan ito na hindi natin mas itinutuon ang ating puso sa kayamanan, kapangyarihan, posisyon, o pagsang-ayon ng mundo. Narito ang ilang mga alituntunin na itinuro sa atin tungkol sa pamumuhay sa mundo:

Unahin ang mga bagay ng Diyos. “Hanapin muna ninyo ang kanyang kaharian at ang kanyang katuwiran” (Mateo 6:33). Sa ating puso at buhay, ang mga kautusan ng Diyos at ang ating mga tipan sa Kanya ang ating prayoridad.

Maghangad na Matuto. “Habang [natututo] kayo tungkol sa mundo sa inyong paligid, [natututo rin kayo] tungkol sa Tagapagligtas. … Habang lalo kayong natututo, lalo kayong makakatulong na itayo ang kaharian ng Diyos at impluwensyahan ang mundo sa kabutihan” (Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili [2022], 31, 32).

Trabaho. “Mahalagang alituntunin ng ebanghelyo ang pagtatrabaho. Ito ay nagtataguyod ng paglago at nagpapaunlad sa atin. … Hindi lamang nais ng Panginoon na matustusan natin ang ating pamilya kundi maging ‘sabik sa pagawa ng mabuting bagay’ [Doktrina at mga Tipan 58:27]” (“Employment,” Topics and Questions, Gospel Library).