Saan Ka Makakahanap ng Lakas Kapag Nakararanas ng Pagtanggi ng Tao?
Ilang taon na ang nakararaan, nakibahagi ako sa isang aktibidad kasama ang iba pang mga kabataan at ilang missionary. Ang mithiin namin ay anyayahan ang mga tao na pumunta at dumalo sa isang espesyal na sacrament meeting.
Tuwang-tuwa akong ilagay ang sarili ko sa kalagayan ng aming mga missionary. Naipamahagi namin ang aming mga paanyaya sa iilang taong nakilala namin. Nang oras na ibibigay ko na ang huling card, hinikayat ako ng Espiritu na pumunta sa isang partikular na tao. Ngunit masama ang reaksyon niya sa paanyaya namin at pinaalis kami.
Nalungkot ako nang makita kong tinatanggihan ng taong ito ang pagmamahal ng ating Tagapagligtas. Alam ko na maraming tao ang tumatanggi sa paanyaya ni Cristo na lumapit sa Kanya. Ngunit alam ko rin na sa simpleng pagpapaabot ng paanyaya na ito, nagtatanim tayo ng binhi sa puso ng mga tao. Ang karanasang ito ay nagpalakas sa aking patotoo kahit na tinanggihan ang aking paanyaya. Alam ko na kay Cristo, lahat ay posible, at patuloy akong naghahandang magmisyon at dalhin ang iba sa Kanya at sa ating Ama sa Langit.
Jalil T., edad 17, South Province, New Caledonia
Mahilig sa musika, soccer, at camping at hiking kasama ang kanyang pamilya.