Welcome sa Isyung Ito
Tulong para sa Mahihirap na Araw
Ang buhay ay hindi palaging naaayon sa paraang inaasahan natin. Gusto nating lahat ang mga araw na puno ng pagdiriwang at kagalakan, ngunit may mga araw na puno ng kabiguan. Sa isyung ito, makakahanap ka ng tulong para sa mga panahong iyon (tingnan sa mga pahina 8, 14, at 22).
Isa sa mga paborito kong talata sa banal na kasulatan ay naglalaman ng payo at pangako para sa mahihirap na araw. Mababasa rito, “Maging matiisin sa mga paghihirap, sapagkat ikaw ay magdaranas ng marami; subalit tiisin ang mga ito, sapagkat, masdan, ako ay makakasama mo, maging sa katapusan ng iyong mga araw” (Doktrina at mga Tipan 24:8). Ang payo ay magtiis.
Ang ibig sabihin ng magtiis ay manatiling matatag ang kalooban. Maaaring mahirap gawin iyan, kaya gusto ko ang pangakong “Ako ay makakasama mo.” Ibig sabihin ng pangakong iyon ay hindi na natin kailangang kayanin ang mahihirap na araw nang mag-isa. Tutulungan tayo ng Panginoon na manatiling matatag ang ating kalooban.
Anuman ang nangyayari sa ating buhay, ang pinakamainam na paraan upang makaugnay ang Ama ay ang manalangin. Siya ay talagang nariyan. Pinakikinggan at sinasagot Niya ang ating mga panalangin. Nakikinig at nangungusap ang Diyos sa Kanyang mga anak sa magagandang araw at masasamang araw (tingnan sa pahina 2). Nangako Siya na makakasama natin Siya.
Nagmamahal,
Emily Belle Freeman
Young Women General President