Mga Tinig ng mga Kabataan
Tinulungan Ako ng Tagapagligtas na Magbago
Paglalarawan ni Katelyn Budge
Ang klase ng mukha ko, kapag hindi nakangiti, ay mukhang galit. Itatanong ng mga tao, “Bakit ka nakasimangot? Ano’ng problema mo?” At sasabihin ko, “Hindi ako nakasimangot.” Pero sa totoo lang ay naiinis ako sa mga tanong nila.
Nag-alala sa akin ang tatay ko. Pinapunta niya ako sa kanyang kuwarto at sinabing, “Alam mo, hindi ka dapat masanay na palaging galit. Ano ba ang nakakabahala sa iyo?” Ipinasiya ko na gusto kong magbago.
Nagdasal ako at humingi ng tulong sa Ama sa Langit. Hindi nagtagal, nagsimula akong makaramdam ng pagkakaiba. Bihira na akong magalit, mas madalas na akong ngumiti, at mas mahal ko na ang aking kapwa. Sabi ng lahat, “Nagbabago ka na.” Alam ko sa puso ko na hindi ito mula sa sarili kong lakas. Ito ay dahil sa nagbibigay-kakayahang kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.
Mahirap maging klase ng tao na gusto mong maging. Hindi ko pa masasabing nakamit ko na ang gusto kong maging, pero nagsisikap akong magkagayon. Dapat na kasama sa ating paglalakbay si Jesucristo. Kailangan natin Siyang anyayahang samahan tayo.
Victoria E., edad 16, Lagos, Nigeria
Mahilig maglaro ng sports, magbasa, kumanta, mag-ayos ng buhok, at matuto ng mga bagong bagay.