Mga Tinig ng mga Kabataan
Magiging OK Ako
Paglalarawan ni Katelyn Budge
Kinakabahan ako kapag dumadalo ako sa mga lesson at seminary ng Simbahan at kapag nagbibigay ako ng mensahe sa sacrament meeting. Pero gusto kong inaalala ang Doktrina at mga Tipan 84:88: “Ako ay mapapasainyong kanang kamay at sa inyong kaliwa, at ang aking Espiritu ay mapapasainyong mga puso, at ang aking mga anghel ay nasa paligid ninyo, upang [alalayan] kayo.”
Kapag binabasa o naaalala ko ang talatang iyon, nadarama ko na binabantayan at tinutulungan ako ni Jesus. Tinutulungan niya ako kapag nagkakamali ako.
Pakiramdam ko ay inihanda ng Ama sa Langit ang mga pagkakataong ito para sa akin. Gagawin niyang posible para sa akin na gawin ang lahat ng makakaya ko, kahit mahirap.
Anuman ang mangyari, magiging OK ako, dahil tutulungan ako ng Ama sa Langit at ni Jesucristo habang kumikilos ako nang may pananampalataya.
Emma Y., edad 15, Ibaraki, Japan
Nasisiyahan sa paglalaro ng board at video games, paglalaro ng sports kasama ang kanyang pamilya, panonood ng pelikula, at paggawa ng mga crafts para sa mga aktibidad ng kabataan.