Kumonekta
Maja C.
16, Drava, Slovenia
Larawang kuha ni Christina Smith
Naghiwalay ang nanay at tatay ko noong dalawa’t kalahating taong gulang ako. Binibisita ko ang tatay ko buwan-buwan, at noong bata pa ako, masaya talaga ito. Pero noong lumaki na ako, ilang beses na kaming nagkaroon ng pagtatalo at lalo pang lumala ang sitwasyon.
Naaalala ko pa na umiyak ako kay nanay dahil ayaw ko nang dalawin ang tatay ko. Sabi niya, “Magdasal ka, at mas magiging maayos ang lahat.” At nagdasal nga ako.
Tinulungan ako ng Diyos at ang tatay ko. Ngayon ay mas maganda na ang samahan namin. Nag-uusap kami, at tinatawagan niya ako kapag pumupunta siya sa kanyang bansang sinilangan, sa Macedonia, para makausap ko ang pamilya ko roon.
Si Jesucristo ang lakas ko noon pa man. Kapag may malalaking hamon ako sa paaralan o sa bahay, lagi Siyang nariyan para sa akin. Dama kong hindi Niya ako pinabayaan.
Nagpapasalamat ako na ipinakilala ako ni Inay sa Simbahan at sa Diyos, dahil malaki talaga ang naitulong nito sa amin sa lahat ng panahon. Ang Diyos at si Jesucristo ay laging nagmamalasakit sa amin.