2016
Mga Patriarchal Blessing Online
Mayo 2016


Mga Patriarchal Blessing Online

Ang bagong online tools ay magbibigay-kakayahan sa mga miyembro na mas madaling mag-access sa mga patriarchal blessing. Maaaring humiling ang mga miyembro ng kopya ng kanilang patriarchal blessing sa digital form at ng kopya ng mga blessing ng yumaong mga ninuno (matatanggap sa pamamagitan ng koreo o email). Ang mga lider ng priesthood ay maaaring magsumite online ng mga rekomendasyon para sa mga blessing, at makikita ito ng mga patriarch at maisusumite nila ang digital text ng mga blessing matapos ibigay ang mga ito.

Ang tools na ito ay makukuha na ngayon sa mahigit 50 porsiyento ng mga stake ng Simbahan, sa English, Spanish, at Portuguese. Sa susunod na taon dapat ay available na ang mga ito sa 14 na wika at sa lahat ng stake.