2016
Mga Bagong Resources o Sanggunian sa Paglilingkod
Mayo 2016


Mga Bagong Resources o Sanggunian sa Paglilingkod

Apat na bagong paksa ang nadagdag sa Ministering Resources (ministering.lds.org) para suportahan ang mga lider ng stake at ward sa paglilingkod nila sa sumusunod na mga grupo: mga caregiver, mga missionary na umuwi nang maaga, mga mag-asawang may problema sa kanilang pagsasama, at mga taong may sakit sa utak.

Ang mga miyembro ng ward council ay may access sa resources o mga sangguniang ito para malaman nila kung paano mas matutulungan ang mga miyembro. Ang resources o mga sanggunian ay available sa English at di-magtatagal ay isasalin sa siyam pang wika.