2016
Elder S. Mark Palmer
Mayo 2016


Elder S. Mark Palmer

General Authority Seventy

Noong 1992, napakahalaga at limitado ang oras ni Elder S. Mark Palmer at ng asawa niyang si Jacqueline.

Si Elder Palmer ay naglilingkod noon sa stake high council. Nagtatrabaho rin siyang mabuti para umasenso sa kanyang propesyon. Gayon din kaabala si Sister Palmer. Ang mga Palmer ay may anim na anak noon sa bahay nila sa Austin, Texas, USA,—kabilang na ang isang sanggol na lalaki na anim na buwan ang edad.

Nang anyayahan sila ng stake president na maglingkod bilang mga temple worker sa Dallas Texas Temple, hindi nila alam kung paano nila makakayanan ang isa pang tungkulin. Ngunit tinanggap nila ang tungkulin—at saka sila humingi ng tulong ng Panginoon sa panalangin.

Para makabiyahe nang buwanan sakay ng bus upang maglingkod nang buong maghapon sa templo, kinailangan nilang magsakripisyo at magplanong mabuti. “Ngunit napakalaking pagpapala ito sa aming buhay,” sabi ni Elder Palmer.

Ang paglilingkod sa templo, dagdag pa niya, ay naghanda sa kanya sa espirituwal para sa darating na mga tungkulin sa priesthood. Naging mas mabuting asawa at ama rin siya dahil dito—at nabalanse niya ang kanyang abalang buhay.

“Ang pagpunta sa templo ay madalas makatulong sa pagbabago ng inyong mga prayoridad at ipinaaalala sa inyo ang mga tipang ginawa ninyo,” sabi niya.

Si Stanley Mark Palmer ay isinilang noong Pebrero 11, 1956, sa Te Puke, New Zealand, kina Kenneth at Jill Palmer. Sumapi ang kanyang pamilya sa Simbahan noong siya ay bata pa. Naglingkod siya sa full-time mission sa New Zealand Wellington Mission.

Matapos magtamo ng undergraduate degree sa University of Auckland, nag-enrol siya sa master of business administration program sa Brigham Young University. Habang nakatira sa Provo, Utah, USA, nakilala niya ang isang returned missionary na nagngangalang Jacqueline Wood sa isang blind date. Ikinasal sila noong Disyembre 18, 1981, sa Salt Lake Temple. Ang mga Palmer ay may anim na anak at siyam na apo.

Si Elder Palmer ang founder at president ng SMP Ventures, isang real estate development company. Nakapaglingkod na siya bilang bishop, stake president, president ng Washington Spokane Mission (2009–12), interim president ng Australia Sydney South Mission (2014), at Area Seventy.