2016
Mga Pagbabago sa Family History at Paglilingkod sa Templo
Mayo 2016


Mga Pagbabago sa Family History at Paglilingkod sa Templo

Ang bagong tools at mga patakaran ay tutulong sa mga indibiduwal at pamilya na gumawa ng family history at maglingkod sa templo:

  • Maaari na ngayong i-print ng mga miyembro ang mga temple ordinance card sa bahay sa puting papel at dalhin ang mga ito sa templo.

  • May oras na nakalaan lamang sa pamilya sa mga templo upang maiskedyul ng mga pamilya ang oras ng pagsasagawa nila ng mga ordenansa nang sama-sama nang hindi na naghihintay nang matagal.

  • Ang mga bagong binyag na nagsasagawa ng mga proxy baptism sa unang pagkakataon ay maaaring magpaiskedyul ng appointment para makapaghanda ang mga templo na tanggapin at salubungin sila.

  • Maaaring gumawa ng bagong limited-use recommend online at i-print ito ng mga lider ng priesthood. Ang recommend ay naa-activate kapag nai-print at valid kapag nilagdaan ng miyembro at ng bishop.