2016
Binago ang Disenyo ng Bahaging Pangkumperensya ng LDS.org
Mayo 2016


Binago ang Disenyo ng Bahaging Pangkumperensya ng LDS.org

Ang paghahanap at pag-aaral ng mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya online ay magiging mas madali na ngayon kaysa rati, salamat sa bagong disenyo ng bahaging pangkalahatang kumperensya ng LDS.org. Kabilang sa mga tampok ang:

  • Mabilis na pagtukoy sa hinahanap na mga mensahe, na may kasamang larawan ng bawat tagapagsalita sa tabi ng pamagat ng mensahe.

  • Isang single navigation bar sa itaas ng lahat ng page, na nagbibigay ng (1) access sa lahat ng pangkalahatang kumperensya mula 1971 hanggang sa kasalukuyan, (2) kakayahang magsaliksik ayon sa pangalan ng tagapagsalita, at (3) kakayahang maghanap ng mga mensahe ayon sa paksa ng ebanghelyo.

  • Pinasimpleng presentasyon ng bawat mensahe, na may kasamang mga icon sa itaas ng page para sa mga taong gustong makinig, mag-download, mag-print, o magbahagi.

Ang bagong disenyo ay angkop na angkop sa mga gumagamit ng desktop, laptop, at mobile device. Nakasama na ang mga pagbabago sa English, Spanish, at Portuguese, at available sa mahigit 80 wika sa darating na mga buwan.