2011
Komentaryo
Setyembre 2011


Komentaryo

Isang Pagpapalang Walang Kapantay

Walang branch ang Simbahan sa lungsod na tinitirhan namin, at mahirap palipasin ang isang buong linggo nang walang kontak sa iba pang mga miyembro. Pakiramdam namin kapag nagbabasa kami ng isang artikulo o mensahe mula sa Liahona ay sa amin mismo nagsasalita ang taong sumulat niyon. Ang mapasaaming tahanan ang mga salita ng propeta ay isang pagpapalang walang kapantay. Sa ganitong paraan, pakiramdam namin ay matibay ang koneksyon namin sa Simbahan kahit malayo kami sa meetinghouse.

Fábio André Haab, Brazil

Nagpaibayo ng Lakas at Pananampalataya ang Payo

Salamat sa malaking pagpapalang dulot ng magasin—bawat buwan ay nakakabasa ako ng mga mensaheng umaantig sa puso ko. Ang payong natatanggap namin mula sa mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ay nagpapalakas sa akin at pinupuspos ng pananampalataya ang aking espiritu.

Dorris Cantor, Honduras

Isang Paraan para Masagot

Isa sa mga mithiin ko ang basahin ang Liahona bawat buwan. Bawat bahagi ng magasin ay tumutulong sa akin na maging higit na katulad ni Jesucristo. Isa ito sa mga paraan para masagot ng Panginoon ang aking mga dalangin.

Gilberto Júnior de Paula Rodrigues, Brazil