2011
Ang Ating Pahina
Setyembre 2011


Ang Ating Pahina

Milagros T., edad 11, Peru

Guo J., edad 10, Taiwan

Mapitagang hinihintay ng mga batang Primary sa Tumán Ward, Pomalca Peru Stake, na magsimula ang Primary.

Sa Panalangin, Napapawi Kaagad ang Pangamba at Sakit

Isang araw ng Linggo pumasok ang isang pusang maysakit sa bahay namin. Ngumiyaw ito nang malakas at nakakatakot, at ayaw lumabas. Takot ako sa pusa, kaya ipinasiya kong manalangin. Pagkatapos kong manalangin, nailabas na ng bahay ni Mama ang pusa.

Sumailalim si Mama sa masakit na operasyon kamakailan. Taimtim akong nanalangin na magtagumpay ang operasyon. Pag-uwi niya mula sa ospital, nakita ko siyang umiiyak, at sinabi niyang nasasaktan siya. Tinanong ko siya kung gusto niya akong manalangin, at pumayag siya. Lumuhod ako at humiling sa Ama sa Langit na pawiin ang kanyang sakit. Pagkatapos kong manalangin, nakangiti na ang nanay ko, at niyakap at hinagkan niya ako.

Alam ko na ang Ama sa Langit ay mapagmahal at mabait, at alam ko na kapag nangangamba ako o nasasaktan, maaari akong manalangin sa Kanya at napapawi kaagad ang pangamba at sakit.

Helaman F., edad 5, Brazil

Si Helaman at ang kanyang kapatid na si Ezra, edad 10