2011
Pag-anyaya kay Jacob
Setyembre 2011


Pag-anyaya kay Jacob

“Samakatwid, kung ikaw ay may mga naising maglingkod sa Diyos ikaw ay tinatawag sa gawain” (D at T 4:3).

  1. Itay, maaari ko po bang anyayahang magsimba si Jacob ngayon?

    Magandang ideya iyan, Eric. Tatawag ako sa bahay nila para sa iyo.

  2. Sabi ng nanay ko puwede akong sumama sa iyo sa simbahan!

    Ayos!

  3. Masaya sina Eric at Jacob sa simbahan. Napag-aralan nila ang tungkol sa panalangin at kumanta sa oras ng pagbabahagi. Masaya si Eric na inanyayahan niya si Jacob.

  4. Nang sumunod na linggo, tinawagang muli ni Eric si Jacob.

    Gusto mo bang sumama sa aking magsimba ngayon?

    Hindi, hindi muna ngayon. Maglalaro ako sa bahay ng lola ko.

    Ah, OK.

  5. Susunduin ba natin si Jacob ngayon?

    Hindi po, ayaw niya raw sumama ngayon.

    Ano ang pakiramdam mo roon?

    Medyo malungkot po.

  6. Nalulungkot ako na nalulungkot ka. Alalahanin mo na hinahayaan tayong lahat ng Ama sa Langit na pumili para sa ating sarili. Siguro maaanyayahan mo si Jacob sa ibang araw.

    Itay, puwede ko po ba siyang anyayahan sa isang linggo?

    Oo naman. Mabuti kang kaibigan.

  7. Tinawagang muli ni Eric si Jacob nang sumunod na linggo.

    Gusto mo bang sumama sa aking magsimba ngayon?

    Sige.

  8. Masaya si Eric na muling sumama sa kanyang magsimba si Jacob. Alam ni Eric na makakapili si Jacob para sa kanyang sarili kung gusto niyang magsimba o hindi, pero nagpasiya siyang laging anyayahan si Jacob para mabigyan ito ng pagkakataon.

Mga paglalarawan ni Scott Peck