2011
Ang Ebanghelyo ay Ipangangaral sa Buong Daigdig
Setyembre 2011


Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary

Ang Ebanghelyo ay Ipangangaral sa Buong Daigdig

“Ang ebanghelyong ito ay ipangangaral sa lahat ng bansa, at lahi, at wika, at tao” (D at T 133:37).

Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito upang marami pang matutuhan tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.

Naisip na ba ninyo na kakaunti lang ang mga tao sa mundo na mayroong mga pagpapalang tulad ng sa inyo dahil kayo ay kabilang sa totoong Simbahan ni Jesucristo? Maraming taong hindi nakaaalam na sila ay mga anak ng Ama sa Langit at makapagdarasal sila sa Kanya at sasagot Siya. Hindi nila alam ang mga pagpapalang mapapasakanila dahil sa ebanghelyo. Nais ng Ama sa Langit na ibahagi natin ang ebanghelyo sa lahat.

Dahil napakaraming tao na kailangang makarinig sa ebanghelyo, tumatawag ng mga misyonero para maglingkod sa iba’t ibang panig ng mundo. Itinuturo ng mga misyonero sa mga tao ang kailangan nilang malaman at gawin upang makabalik sa piling ng Ama sa Langit at ni Jesus.

Sinabi ni Pangulong Thomas S. Monson na maaari kayong maghandang maging misyonero ngayon, kahit bata pa kayo. Maaari ninyong imbitahin ang mga kaibigan ninyo sa simbahan, sa mga aktibidad, o sa family home evening. Ang pinakamaiinam na paraan para maging misyonero kayo ngayon ay magpakita ng pagmamahal at maging mabuting halimbawa sa inyong mga kaibigan.

Aktibidad

Idikit ang pahina 65 sa mas makapal na papel at gupitin ang 16 na card. Itaob ang mga card sa patag na lugar. Maghalinhinan sa pagtitihaya ng dalawang card nang sabay, sa pagsisikap na makakita ng dalawang card na magkatugma ang salita at larawan. Habang naglalaro kayo, isipin ang mga bagay na magagawa ninyo upang maging misyonero ngayon.

Magsama ng isang kaibigan sa Primary

“Ang ebanghelyong ito ay ipangangaral sa bawat bansa.”

Mga misyonera

Mga banal na kasulatan

Piliin ang tama

Mga elder

Binyag

Missionary Training Center

Mga paglalarawan ni Dilleen Marsh