Seminaries and Institutes
Lesson 23: Ipinanumbalik ng Tagapagligtas ang Kanyang Priesthood, Simbahan, at Ebanghelyo


23

Ipinanumbalik ng Tagapagligtas ang Kanyang Priesthood, Simbahan, at Ebanghelyo

Pambungad

Ang mga Apostol sa makabagong panahong ito ay nagpatotoo: “Ipinahahayag namin nang taimtim na ang pagkasaserdote [ni Jesucristo] at Kanyang Simbahan ay ipinanumbalik na sa mundo” (“Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr. 2000, 3). Sa pagtuturo mo ng lesson na ito, tulungan ang mga estudyante na maunawaan na bilang bahagi ng Kanyang walang hanggang ministeryo, pinamahalaan ng Tagapagligtas ang Panunumbalik ng ebanghelyo at ng Kanyang Simbahan sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith. Ang masusing pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan ay naghahayag na pinamamahalaan ni Jesucristo ang kaharian ng Diyos sa lupa.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito

  • James E. Faust, “Ang Pagpapanumbalik ng Lahat ng Bagay,” Ensign o Liahona, Mayo 2006, 61–62, 67–68.

  • Tad R. Callister, “Ano ang Blueprint ng Simbahan ni Cristo?” (Church Educational System devotional para sa mga young adult, Ene. 12, 2014); LDS.org.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Joseph Smith—Kasaysayan 1:18–20

Ipinanumbalik ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa mga huling araw

Simulan ang klase sa pagpapalista sa mga estudyante ng ilang mahahalagang bagay na maaaring itanong ng isang tao sa Ama sa Langit. Matapos ang ilang sagot, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:18–19. Pagkatapos ay itanong:

  • Ano ang itinanong ni Joseph Smith sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

  • Ano ang itinugon ni Jesucristo? (Maaari mong ipaliwanag na nakatala sa talata 20 na inulit ng Tagapagligtas ang Kanyang tugon: “Muli niya akong pinagbawalang sumapi sa alinman sa kanila.”)

  • Kung lahat ng mga Simbahan ay “mali,” ano ang kailangang mangyari upang maitatag sa lupa ang Simbahan ng Panginoon? (Kinakailangang ipanumbalik ang Simbahan ng Panginoon na itinatag Niya sa panahon ng Bagong Tipan.)

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong James E. Faust (1920–2007) ng Unang Panguluhan, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

Larawan
Pangulong James E. Faust

“Naniniwala tayo na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang ipinanumbalik na orihinal na Simbahang itinatag ni Jesucristo, na itinayo ‘sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok’ [Mga Taga Efeso 2:20]. Hindi ito [nagmula o] humiwalay sa iba [pang mga] simbahan” (“Ang Pagpapanumbalik ng Lahat ng Bagay,” Ensign o Liahona, Mayo 2006, 68).

  • Ano ang ibig sabihin kapag sinasabi natin na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay pagpapanumbalik ng Simbahang itinatag ng Tagapagligtas sa panahon ng Bagong Tipan?

Sabihin sa mga estudyante na hindi sapat ang oras sa klase para maikumpara ang bawat aspeto sa sinauna (ibig sabihin orihinal) na Simbahan sa ipinanumbalik na Simbahan. Gayunman, maaari mong ipabasa sa mga estudyante ang Lucas 6:13; 10:1; Mga Gawa 14:23; Mga Taga Efeso 4:11; Mga Taga Filipos 1:1; at Kay Tito 1:5 at tukuyin ang mga bahagi ng istruktura ng organisasyon ng sinaunang Simbahan na makikita rin sa Simbahan ngayon. (Para sa mga karagdagang halimbawa, hikayatin ang mga estudyante na basahin ang “Ano ang Blueprint ng Simbahan ni Cristo?” ni Brother Tad R. Callister, Sunday School general president, na nasa bahaging Mga Babasahin ng mga Estudyante ng lesson na ito.) Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Brother Callister, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

Larawan
Tad R. Callister

“Kung itutugma ng isang tao ang … orihinal na Simbahan ni Cristo sa bawat simbahan ngayon sa mundo, matutuklasan niya na sa bawat punto, bawat organisasyon, katuruan, ordenansa, bunga, at paghahayag, ay isa lamang ang tutugma dito—Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw” (“Ano ang Blueprint ng Simbahan ni Cristo?” [Church Educational System devotional para sa mga young adult, Ene. 12, 2014]; LDS.org).

  • Bakit mahalagang magkaroon ng patotoo na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay ang ipinanumbalik na orihinal na Simbahan ng Tagapagligtas? (Ang gayong patotoo ay tumutulong sa atin na maunawaan na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang tunay na Simbahan ng Panginoon sa lupa ngayon. Dahil ang Panginoon ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman, dapat nating asahan na nakapaloob din sa Kanyang Simbahan ang magkaparehong mga aspeto o bahagi sa bawat dispensasyon.)

Doktrina at mga Tipan 1:17, 38; 18:34–35

Pinamahalaan ni Jesucristo ang gawain ng Panunumbalik

Ipabasa nang mabilis sa mga estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:17 at alamin kung ano ang iniutos ng Ama sa Langit na gawin ni Joseph Smith (makinig sa Kanyang Anak). Pagkatapos ay basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Joseph Fielding Smith (1876–1972):

Larawan
Pangulong Joseph Fielding Smith

“Buong paghahayag mula pa noong Pagkahulog ay dumating sa pamamagitan ni Jesucristo” (Doctrines of Salvation, tinipon ni Bruce R. McConkie, 3 tomo [1954 – 56], 1:27).

Para mailarawan ang katotohanang ito, ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 1:17, 38; 18:34–35 na itinatanong sa isipan ang sumusunod: Paano makatutulong sa atin ang mga talatang ito na mas maunawaan ang katotohanan na pinapatnubayan at ginagabayan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng paghahayag? Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Gary J. Coleman ng Pitumpu, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

Larawan
Elder Gary J. Coleman

“Ang Doktrina at mga Tipan ay isang tipan sa mga huling araw ng ministeryo ni Jesucristo sa mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta at mga tagapaglingkod ng Diyos, at naglalarawan ng paraan ng Diyos sa paghahayag na gumagabay sa Simbahan at sa mga miyembro nito ngayon” (“You Shall Have My Word: The Personal Ministry of Jesus Christ in the Restoration,” sa You Shall Have My Word: Exploring the Text of the Doctrine and Covenants, ed. Scott C. Esplin, Richard O. Cowan, at Rachel Cope, The 41st Annual Brigham Young University Sidney B. Sperry Symposium [2012], 3).

  • Ayon kay Elder Coleman, bakit mahalaga ang Doktrina at mga Tipan sa Simbahan ngayon? (Ito ay tipan sa mga huling araw ng ministeryo ni Jesus, at ipinapakita rito kung paano ginagabayan ng paghahayag ang Simbahan ngayon.)

  • Sa palagay ninyo bakit mahalaga para sa mga anak ng Ama sa Langit na maunawaan ang katotohanang itinuro ni Elder Coleman?

Magpatotoo na ang pagdalaw ng Tagapagligtas, mga paghahayag, at pagkakaloob ng mga kapangyarihan at susi ng priesthood sa panahon ng Panunumbalik ay mahalagang bahagi ng Kanyang walang hanggang ministeryo. Upang matulungan ang mga estudyante na lalong maunawaan kung paano pinamahalaan ng Tagapagligtas ang Panunumbalik ng walang hanggang ebanghelyo at ng Kanyang Simbahan sa mga huling araw, idispley ang sumusunod na chart o ibigay ito sa mga estudyante bilang handout (huwag isama ang mga parirala sa mga panaklong):

Larawan
handout, Pinamahalaan ng Tagapagligtas ang Gawain ng Panunumbalik

Pinamahalaan ng Tagapagligtas ang Gawain ng Panunumbalik

Mga Doktrina ng Simbahan

Mga Ordenansa ng Simbahan

Pamunuan ng Simbahan

Section heading at buod ng Doktrina at mga Tipan 76 (Mga kaharian ng kaluwalhatian, kabilang buhay)

Doktrina at mga Tipan 84:33–39 (Sumpa at tipan ng priesthood)

Doktrina at mga Tipan 128:1, 15, 18 (Pagbibinyag para sa mga patay)

Doktrina at mga Tipan 131:1–4 (Kinakailangan ang selestiyal na kasal para sa kadakilaan)

Doktrina at mga Tipan 137:6–10; 138:29–35 (Ang mga namatay nang walang kaalaman ng katotohanan ay magkakaroon ng pagkakataon na matubos)

Doktrina at mga Tipan 20:37, 72–74. (Mga kinakailangan para sa binyag at ang tamang paraan sa pagbibinyag)

Doktrina at mga Tipan 20:70 (Pagbabasbas ng mga anak o bata)

Doktrina at mga Tipan 20:75–77, 79 (Pangangasiwa ng sakramento)

Doktrina at mga Tipan 124:33–39 (Mga ordenansa ng templo)

Doktrina at mga Tipan 132:7, 15–20. (Kasal na walang hanggan)

Doktrina at mga Tipan 20:38–59 (Mga tungkulin ng mga katungkulan sa priesthood)

Doktrina at mga Tipan 20:61–62 (Pamamahala sa regular na pagpupulong ng Simbahan)

Doktrina at mga Tipan 26:2 (Pangkalahatang pagsang-ayon)

Doktrina at mga Tipan 107:22–27, 33–35, 64–67, 85–91 (Mga tungkulin ng pamunuan ng Simbahan)

Hatiin ang klase sa tatlong grupo at mag-assign ng isang column sa bawat grupo. Sabihin sa bawat estudyante na magbasa ng tatlo o apat sa mga scripture reference sa naka-assign na column sa kanila at maghandang sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang ipinanumbalik ng Tagapagligtas sa lupa sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith?

  • Bakit mahalaga ang mga alituntunin o gawain na natuklasan ninyo?

Makalipas ang ilang minuto, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang natuklasan. Kapag nakapagbahagi na sila, bigyang-diin na pinamahalaan ni Jesucristo ang gawain ng Panunumbalik. Kung kinakailangan, magtanong ng mga bagay na katulad ng mga sumusunod:

  • Bakit mahalagang maunawaan na patuloy na pinamamahalaan ni Jesus ang gawain ng Kanyang Simbahan at ang mga lider nito?

  • Anong mga karanasan ang nakatulong sa inyo na malaman na ang Simbahang ito ay ang Simbahan ni Jesucristo?

Kung may oras pa, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 1:30. Pagkatapos ay itanong sa klase:

  • Matapos pag-isipan kung ano ang natalakay natin ngayon, bakit ang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw “ang tanging tunay at buhay na simbahan sa ibabaw ng buong mundo”? (Dahil ito lamang ang tanging simbahan sa mundo na mayroong banal na awtoridad na ituro ang ebanghelyo ni Jesucristo, isagawa ang mga kinakailangang ordenansa ng kaligtasan, at tumanggap ng patuloy na paghahayag sa pamamagitan ng mga hinirang na tagapaglingkod ng Panginoon.)

Sa katapusan ng lesson, sabihin sa isang estudyante na basahin nang malakas ang Doktrina at mga Tipan 76:40–42 habang tahimik na sumasabay sa pagbasa ang klase. Magpatotoo na ang mga talatang ito ay buod ng walang hanggang ministeryo ng Tagapagligtas. Hikayatin ang mga estudyante na isipin kung ano ang magagawa nila para pasalamatan si Jesucristo, na nagsagawa ng Pagbabayad-sala upang tayo ay mapabanal, maging malinis, at maligtas sa kaharian ng Ama.

Mga Babasahin ng mga Estudyante