2018
Saan Napupunta ang Pera ng Ikapu
Oktubre 2018


Ang Ating Paniniwala

Saan Napupunta ang Pera ng Ikapu

Ano ang nangyayari sa ibinabayad mo sa ikapu?

Larawan
where tithing money goes
  • Kumikita ka.

  • Ibinibigay mo ang 10 porsiyento ng iyong kita sa ikapu (tingnan sa D at T 119).

  • Ibinibigay mo ang iyong ikapu sa isang miyembro ng inyong bishopric o branch presidency o ipinadadala ito online sa donations.lds.org.

  • Ipinadadala ng inyong ward o branch ang pera sa headquarters ng Simbahan.

  • Sa headquarters ng Simbahan, ang Unang Panguluhan, Korum ng Labindalawang Apostol, at Presiding Bishopric ang Council on the Disposition of Tithes (tingnan sa D at T 120). Ayon sa patnubay ng Panginoon, gumagawa sila ng inspiradong mga desisyon kung paano gagamitin itong mga sagradong ikapu.

Ang ikapu ay maaaring gamitin sa:

  • Pagtatayo at pagmentena ng mga templo, simbahan, at iba pang mga gusaling pag-aari ng Simbahan

  • Pagpapatakbo ng mga programa ng Simbahan sa edukasyon

  • Paglilimbag ng mga banal na kasulatan at iba pang mga materyal

  • Paggawa ng family history research

  • Paglalaan ng welfare at humanitarian effort

  • Paggawa ng gawaing misyonero

  • Paglalaan ng mga aktibidad sa Simbahan para magkasama-sama ang mga miyembro ng ward o branch

Mga paglalarawan ni David Green