2018
Samahan ng mga Nagbabasa ng Aklat ni Mormon
Oktubre 2018


Samahan ng mga Nagbabasa ng Aklat ni Mormon

Sumali sa pamamagitan ng pagbabasa ng Aklat ni Mormon! Maaari kang magbasang mag-isa, kasama ang pamilya mo, o kasama ang isang kaibigan. Pagkatapos ay ipadala sa amin ang isang retrato na nagbabasa ka ng Aklat ni Mormon at ikuwento sa amin ang natutuhan mo o paborito mong kuwento sa Aklat ni Mormon. Ipadala ito sa liahona.lds.org (i-klik ang “Submit an Article”).

Larawan
Book of Mormon Reading Club

Talata sa banal na kasulatan para sa buwang ito: Moroni 10:4

“… Kung kayo ay magtatanong nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo, kanyang ipaaalam ang katotohanan nito sa inyo, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.”

Ang paborito kong kuwento sa Aklat ni Mormon ay matatagpuan sa 3 Nephi 17, at tungkol ito sa pagbabasbas ni Jesus sa mga bata. Gusto ko ang kuwentong ito dahil sinasabi rito kung gaano tayo kamahal ni Jesus at ng Ama sa Langit. Naiintindihan ko ang mga bata, at iniisip ko na naroroon ako mismo.

Barbora J., edad 11, Czech Republic

Mahal ko ang Aklat ni Mormon dahil totoo ang aklat na ito. Isinulat ito ng mga propeta. Tinutulungan ako nitong piliin ang tama, at kapag may problema ako, nakakatulong ito sa akin. Naniniwala ako rito.

Jason S., edad 10, Maharashtra, India