2018
Maningning ang Liwanag sa Czech Republic
Oktubre 2018


Paningningin ang Iyong Liwanag

Maningning ang Liwanag sa Czech Republic

Tinipon ni Sharon Goodrich, Mga Magasin ng Simbahan

Larawan
Shining Bright in the Czech Republic

Kami ay mga batang Primary sa Czech Republic. Ganito namin pinaniningning ang liwanag namin sa aming bansa.

Minsan naiwala ko ang paborito kong guwantes. Lungkot na lungkot ako. Nagdasal kami ng nanay ko, pero hindi namin nakita iyon. Sinikap kong sumampalataya. Pagkaraan ng isang linggo, nakita ng bunsong kapatid ko ang guwantes ko sa kalye! Sinasagot ng Diyos ang ating mga dalangin. Mahal ko Siya at alam kong Siya ay buhay.

Andre W., edad 9

May mga kaibigan ako sa eskuwela na hindi miyembro ng Simbahan pero nirerespeto pa rin ang aking mga pamantayan. Minsa’y sinabi ko na dapat kaming magdasal, at pumayag sila! Napakasaya ko.

Ivana A., edad 11

Pababa kami ng mga kaibigan ko. Pagdating namin sa elevator, hindi panatag ang pakiramdam ko at sinabi ko sa mga kaibigan ko na huwag sumakay roon. Nagpasiya pa rin silang sumakay. Naghagdan ako. Pagdating ko sa ibaba, wala roon ang mga kaibigan ko.Huminto ang elevator! Natagalan bago sila nakalabas. Masaya ako na walang malubhang nangyari. Maganda rin ang pakiramdam ko dahil sinunod ko ang Espiritu Santo.

Amalie N., edad 10

Sa beach, nagsimulang dumilim ang langit. Umihip ang hangin at lumikha ito ng malalaking alon! Kumulog, kumidlat, at bumagsak ang ulang may yelo. Nagtakbuhan ang lahat para kumanlong. Hindi kami nasaktan sa bagyo. Sa daan pauwi, nakakita kami ng tatlong bahaghari. Alam namin na tinulungan at pinrotektahan kami ng Diyos.

Jakub B., edad 10

Sa eskuwela may kaibigan ako na ayaw kaibiganin ng iba. Sinimulan siyang sabihan ng ibang mga bata ng masasamang bagay na nagpadama sa kanya na pangit siya. Sinabi ko ito sa titser ko at niyaya kong maglaro ang kaibigan ko. Sumaya ang kaibigan ko dahil dito!

Ludmila V., edad 8

Nagalit ako sa nanay ko dahil ayaw kong maligo at matulog. Kinabukasan nalungkot ako dahil sa maling pasiya ko. Sabi ni Inay maaari naming ipagdasal sa Ama sa Langit na patawarin kami. Lumuhod kami at nagdasal. Gumanda ang pakiramdam ko. Nalaman ko na tayo ay maaaring magsisi, at dahil kay Jesucristo, ay mapapatawad tayo.

Samuel H., edad 5

Nagpatotoo ako sa simbahan. Naglakas-loob ako Mula noon, nadama ko na ang Espiritu.

Eliska K., edad 11

Nang magkasakit ang alaga kong guinea pig, ipinagdasal ko siya. Nagpapasalamat ako sa Ama sa Langit sa pagtulong sa amin.

Aneta P., edad 10