2018
Panalangin sa Canyon
Oktubre 2018


Panalangin sa Canyon

Larawan
Canyon Prayer

Noong nakaraang taon nag-hiking kami ng tatay ko at kapatid kong lalaki. Nag-hiking kami hanggang sa kaloob-looban ng canyon. Di-nagtagal sinimulan naming galugarin ang isang munting daanan sa gilid ng bundok. Nakakita kami ng malalaking yungib at mga lugar kung saan kita ang magagandang tanawin. Umakyat kami nang umakyat sa mga bato at matatarik na burol.

Hindi nagtagal talagang naligaw na kami. Hindi namin alam kung saan kami pupunta para makarating sa paanan ng canyon. Nabalaho kami sa makapal na palumpong, at hindi na namin matanaw ang itaas at ibaba ng canyon. Nagsimula akong panghinaan ng loob. Hindi ko alam kung saan pupunta, at hindi rin alam ni Itay!

Dumidilim na at lumalamig, at malayong makalabas kami ng canyon. Alam kong alam ng Ama sa Langit ang tamang daan.

Sinabi ko, “Kung gusto nating makalabas dito, kailangan nating magdasal!” Kaya lumuhod kaming tatlo at nagdasal, na hinihiling sa Ama sa Langit na akayin kami palabas ng canyon.

Nang magsimula kaming lumakad, nadama ko na kapag may nakita akong mataas at tuwid na puno, dapat akong kumaliwa. Nang kumaliwa na ako, nakita ko ang kotse namin. Alam kong tinulungan kami ng Ama sa Langit na makalabas ng canyon. Sinagot ng Ama sa Langit ang aming panalangin, at ligtas kaming nakalabas—na papalubog pa lang ang araw.

Labis akong nagpapasalamat sa kapangyarihan ng panalangin at sa pakikinig ng Ama sa Langit.