2018
Ang Ating Pahina
Oktubre 2018


Ang Ating Pahina

Larawan
Our Page
Larawan
Ayana

Kapag nagsisimba ako, nadarama ko ang Espiritu ng Diyos at ang pagmamahal ko sa Kanya at sa aking Tagapagligtas na si Jesucristo. Mahal ko ang aking Manunubos.

Ayana B., edad 7, France

Larawan
drawing by Omar

“Pangulong Monson at kanyang mga tagapayo”

Omar A., edad 9, Peru

Larawan
Aldo

Gustung-gusto kong magpunta sa templo kasama ang pamilya ko. Magandang lugar iyon na mapupuntahan ko kapag 12 taong gulang na ako. Ito ang bahay ng Panginoon.

Aldo C., edad 10, Mexico

Larawan
Allison

Masaya akong ibahagi ang ebanghelyo sa paaralan sa mga kaibigan ko, lalo na sa isang batang lalaking nahihirapang magsalita, magsulat, at magbasa. Ang isang paraan para maibahagi ang ebanghelyo gaya ng itinuro ni Jesucristo ay sa pagtulong at paglilingkod sa iba. Tuwing binibigyan kami ng guro ng assignment sa homework book, lagi akong pumapayag na tulungan ang batang ito. Gustung-gusto kong maglingkod sa iba dahil ipinadarama nito sa akin ang pagmamahal ng aking Ama sa Langit.

Allison M., edad 10, El Salvador