2018
Ang patotoo ba ay higit pa sa damdamin?
Oktubre 2018


Tuwirang Sagot

Ang patotoo ba ay higit pa sa damdamin?

Larawan
young woman reading the Book of Mormon

Patotoo ang binabanggit ng Tagapagligtas nang sabihin Niya kay Pedro na, “Hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 16:17). Kaalaman ito mula sa Diyos na inihayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ang Espiritu Santo ay nangungusap sa isang tinig na mas nadarama natin kaysa naririnig, ngunit ito ay nagmumula “sa iyong isipan at sa iyong puso” (D at T 8:2; idinagdag ang pagbibigay-diin)—sa ating mga iniisip pati na rin sa ating nadarama.

Inilarawan ni Propetang Joseph Smith ang diwa ng paghahayag bilang isang damdaming dumarating “kapag nadarama ninyo ang pagdaloy ng dalisay na talino sa inyo, [at] may bigla kayong maisip” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 153).

Kapag ibinaling natin ang ating puso’t isipan—ang ating mga iniisip, nadarama, at hinahangad—sa Diyos, mangungusap Siya sa ating puso’t isipan sa marahan at banayad na tinig ng Espiritu Santo. Habang nangungusap Siya sa ating espiritu, tila may dumadaloy na damdamin at ideya sa atin. Ito ang patotoong ibinibigay Niya sa atin.