2018
Ang Ating Pahina
April 2018


Ang Ating Pahina

Larawan
our page
Larawan
drawing of someone standing in front of a chapel

Kinakabahan ako noong aking binyag, pero nang nasa tubig na ako, nadama ko na puspos ako ng kagalakan at kaligayahan.

Thomas B., edad 8, Uruguay

Larawan
sisters in front of the temple

Naglakbay kami mula Cambodia patungo sa Hong Kong China Temple para mabuklod sa aming pamilya ang aking nakababatang kapatid na babae na si Laura. Nadama ko ang Espiritu sa espesyal na lugar na iyon.

Rosa P., edad 9, Cambodia

Larawan
winnie w

Isang araw sa klase, tahimik akong nagbabasa habang naglalaro ang lahat ng mga board game. Nang tumunog ang bell, madali nilang ibinalik ang mga pinaglalaruang board game sa istante at nagkalat dahil dito. Sinimulan ko itong linisin, at di-nagtagal ay nagsimulang tumulong ang lahat. Pinatitingkad ko ang aking liwanag sa pamamagitan ng pagiging mabuting halimbawa.

Winnie W., edad 10, Canada

Larawan
baptism day and donating hair

Noong naging walong taong gulang ako, nagpunta sa binyag ko ang aking mga lolo’t lola at maraming kaibigan. Bininyagan at kinumpirma ako ng aking ama. Pagkatapos ay naghandog ako ng 12 pulgada (30 cm) ng aking buhok sa isang batang may kanser. Naging masayang-masaya ako dahil sa aking kaarawan!

Lavona R., edad 8, Indonesia