2018
Nawala at Natagpuan
April 2018


Nawala at Natagpuan

Larawan
lost and found

Alam ko na sinasagot ng Ama sa Langit ang mga panalangin. Noong nakatira ang aming pamilya sa Germany, sumali kami sa isang Volksmarch sa aming nayon. Ang Volksmarch ay kung saan nagsasaya ang mga magkakaibigan at magkakapitbahay sa pamamagitan ng pag-nature walk nang magkakasama. Sinabi ng mga magulang ko na puwede akong mauna sa paglalakad kasama ang isa sa mga kaibigan ko, at nagsimula na kaming maglakad sa mahabang landas.

Pagkaraan ng ilang minuto ay hindi ko na makita ang sinuman sa aking pamilya. Sinabi ko sa aking kaibigan na mananatili ako sa landas at hihintayin sila. Maya-maya ay hindi ko na makita ang aking kaibigan o ang kanyang pamilya, at hindi pa rin dumarating ang aking mga magulang. Mag-isa ako sa gubat, at ako ay nakadama ng takot. Nagpasiya akong magdasal na mahanap ako ninuman.

Sa isa pang bahagi ng gubat, nadama ng aking tatay ang Espiritu Santo na nagsasabi sa kanya, “Hanapin mo ang iyong anak.” Nadama niya kung gaano ko siya kakailangan, kaya kaagad siyang tumalikod at sinabi sa aking nanay na hahanapin niya ako. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating ang aking tatay kung saan ako naghihintay at natagpuan ako. Masayang-masaya ako na makita ang tatay ko! Nang sinabi niya ang tungkol sa pagkakaroon ng matinding damdamin na kailangan ko ng tulong, alam ko na sinagot ng Ama sa Langit ang aking panalangin.

Masayang-masaya akong malaman na kung nasaan man ako, makakausap ko ang Ama sa Langit. Tutulungan Niya akong mahanap ang aking daan.