2018
Ipinagbili si Jose sa Egipto
April 2018


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Ipinagbili si Jose sa Egipto

Mula sa Genesis 37–41.

Larawan
Joseph Is Sold into Egypt 1
Larawan
Joseph Is Sold into Egypt 2
Larawan
Joseph Is Sold into Egypt 3

Si Jose ay may 11 kapatid na lalaki. Binigyan siya ng kanyang ama ng isang maganda at makulay na damit. Sinabi ng Diyos kay Jose na papatnubayan niya ang kanyang mga kapatid.

Ang mga kuya ni Jose ay nagalit. Ayaw nila na maging pinuno nila si Jose! Ibinenta siya sa mga taong papunta sa Egipto, at naging alipin siya.

Nagsikap nang husto si Jose. Gumawa siya ng mga mabubuting pagpili, kahit ang mga tao ay nagsinungaling tungkol sa kanya at ikinulong siya.

Kahit sa mga mahihirap na sandali, nagtiwala si Jose sa Diyos. At ang Diyos ay napasa kay Jose. Si Jose ay naging pinuno sa Egipto! Noong tumanda siya, tinulungan niyang patnubayan ang kanyang pamilya, katulad ng sinabi ng Diyos.

Mapagkakatiwalaan ko ang Diyos tulad ng ginawa ni Jose. Magagawa kong piliin ang tama. Mapapasaakin ang Diyos anuman ang mangyari.