2018
Maglakas-loob na Maging Mabait!
April 2018


Ibahagi ang Inyong Liwanag

Maglakas-loob na Maging Mabait!

Larawan
dare to be kind

Kumusta! Ako si Claudia at nakatira ako sa Australia. Pinaliliwanag ko ang aking ilaw sa pamamagitan ng pagiging mabait sa iba.

Pinagtatanggol Ko ang Iba

Isang batang lalaki sa aking klase sa paaralan ang nahihirapang matuto. Pinagtatanggol ko siya kapag tinutukso siya ng mga tao, at tinutulungan ko siya sa klase kapag kailangan niya iyon. Sinabi ng guro ko na ito lang ang tanging taon na nadama niya na bahagi siya ng kanyang klase.

Ang Aking Munting Teddy Bear

Noong mamatay ang tiyo ng aking guro, naging napakalungkot niya. Wala siyang alam tungkol sa Simbahan, kaya sinabi ko sa kanya na mahal siya ng Ama sa Langit. Ginawan ko siya ng kard at sinabi sa kanya na makikita niyang muli ang kanyang tiyo. Ibinigay ko sa kanya ang aking espesyal na munting teddy bear upang matulungan siyang malagpasan ang malungkot na panahong iyon.

Mapalad na mga Kaibigan

Ang aking kapitbahay na si Olivia ay nahihirapan sa paglalakad, pagsasalita, at pagdinig. Sinabi ng nanay ni Olivia na mapalad si Olivia na magkaroon ng kaibigang katulad ko. Mapalad din ako!

Pagkanta at ang Espiritu Santo

Mahilig akong kumanta ng mga awit mula sa Aklat ng mga Awit Pambata. Sinabi ng pamilya ko na tumutulong iyon sa kanila na madama ang Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ay nagbibigay sa akin ng isang mainit na pakiramdam.