2015
Gabay na Liwanag
Agosto 2015


Mga Kabataan

Gabay na Liwanag

Itinuro ni Pangulong Monson na ang mga kabataan ng Simbahan ay “may tungkuling tumayo bilang tanglaw sa tuktok ng templo, na mababanaagan ng liwanag ng ebanghelyo sa isang mundong lalong nagdidilim.” Nagbigay siya ng ilang paraan para magawa ninyo ito:

  • Ibahagi ang ebanghelyo

  • Maniwala

  • Magkaroon ng pananampalataya

  • Maging liwanag sa iba

  • Pangalagaan ang inyong patotoo hanggang sa ito ay maging angkla sa buhay ninyo

  • Basahin at pag-aralan ang mga banal na kasulatan

  • Manalangin nang madalas at palagian

  • Maglingkod

  • Sumunod

Isiping bigyan ng marka ang inyong sarili mula 1 hanggang 5 sa bawat isa sa mga aspetong ito. Para sa mga aspetong mas mababa ang marka, maaari ninyong pag-aralan ang mga paksang ito sa mga banal na kasulatan o saliksikin ang mga ito sa LDS.org. Matapos ninyong pag-aralan ang mga paksang ito, maaari kayong mag-isip ng mga paraan para mapalakas ninyo ang mga aspetong ito at makapagtakda kayo ng mga mithiing gawin ito.