2015
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Agosto 2015


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

Larawan
family cutout with hands protecting it

“Mga Disipulo at ang Pagtatanggol sa Usapin ng Kasal,” pahina 18: Isipin kung paano kayo magiging “tagapagtanggol ng kasal” sa sarili ninyong tahanan. Nakausap na ba ninyo ang inyong mga anak tungkol sa pag-aasawa nila sa hinaharap o kung paano naiiba sa mundo ang pananaw ng Simbahan tungkol sa kasal? Naibahagi na ba ninyo sa inyong mga anak ang inyong damdamin tungkol sa kasal? Naituro na ba ninyo sa kanila ang mga turo ng mga propeta at apostol hinggil sa pag-aasawa? Sa isang family home evening, isiping talakayin ang mga paksang ito, gamit ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (Liahona, Nob. 2010, 129).

Larawan
Filipino young woman using a cell phone.

“Punuin ang Mundo sa pamamagitan ng Social Media,” pahina 48: Matapos basahin ang artikulong ito, talakayin bilang pamilya kung paano ninyo gagamitin, tulad ng sabi ni Elder Bednar, “ang social media para iparating ang mensahe ng ebanghelyo,” na sinusunod ang mga tuntuning iminungkahi niya. Maaari kayong magbahagi ng mga siping-banggit mula sa mga General Authority sa inyong Facebook page o mag-post ng mga larawan ng inyong mga paboritong talata sa banal na kasulatan sa Instagram. Makakaisip pa ang inyong pamilya ng sarili ninyong hashtag na gagamitin kapag nag-post kayo ng mga larawan o siping-banggit na nauugnay sa ebanghelyo (gaya ng mga miyembrong nagsimula ng #LDSconf hashtag).