2015
Muling Binuhay ni Jesus si Lazaro
Agosto 2015


Oras para sa Banal na Kasulatan

Muling Binuhay ni Jesus si Lazaro

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Sabay-sabay na pag-aralan ang Bagong Tipan sa taong ito!

Larawan
Product Shot from August 2015 Liahona

Nag-alala na ba kayo nang may magkasakit sa inyong pamilya? Nag-alala ang mga kaibigan ni Jesus na sina Maria at Marta nang magkasakit nang malubha ang kanilang kapatid na si Lazaro. Inutusan nila ang isang tao na sabihin ito kay Jesus para pumunta Siya at pagalingin si Lazaro. Pero namatay si Lazaro bago nakarating doon si Jesus.

Nang makita ni Jesus kung gaano kalungkot sina Maria at Marta, nanangis Siya para sa kanila. Pagkatapos ay inutusan Niya ang isang tao na alisin ang bato sa pintuan ng libingan, at inutusan Niya si Lazaro na lumabas. Bumalik ang espiritu ni Lazaro sa kanyang katawan, at lumabas siya mula sa libingan, na suot pa rin ang damit pamburol. Namangha ang mga tao. May kapangyarihan si Jesus na daigin ang kamatayan! Tunay ngang Siya ang Anak ng Diyos!

Bawat isa sa mga himala ni Jesus ay nagpakita ng Kanyang malaking pagmamahal at kapangyarihan. Kung tayo ay naniniwala sa Kanya at susunod sa Kanyang halimbawa, mabubuhay tayong muli sa piling Niya!

Paikot sa kanan mula kaliwang itaas: paglalarawan ni Paul Mann; Pinagaling ni Cristo ang Maysakit sa Betesda, ni Carl Bloch; Binuhay ni Cristo ang Anak na Babae ni Jairo, ni Greg Olsen; Pinagaling ni Cristo ang Lalaking Bulag, ni Del Parson; paglalarawan ni Paul Mann; Guro, Dinala Ko sa Iyo ang Aking Anak na Lalake, ni Walter Rane