2014
Dugtung-dugtong na Pagmamahal
Pebrero 2014


Mga Bata

Dugtung-dugtong na Pagmamahal

Magpatulong sa isang adult sa paggupit ng 28 maninipis na piraso ng papel, na bawat isa ay mga 1 pulgada (2.5 sentimetro) ang lapad at mga 8 pulgada (20 sentimetro) ang haba. Bawat araw sa buwang ito, maglingkod para ipakita ang pagmamahal mo sa isang tao. Matutulungan mo ang iyong mga magulang na linisin ang bahay ninyo o abutan ng maikling liham ang isang kapitbahay.

Isulat sa isa sa iyong mga piraso ng papel kung paano ka naglingkod bawat araw, at saka mo iteyp o pagdikitin ang magkabilang dulo ng papel para makagawa ng bilog. Pagdugtung-dugtungin ang mga bilog mo sa pagsusulot ng isang dulo ng bagong papel sa binilog na papel na ginawa mo kahapon bago mo iteyp o pagdikitin ang magkabilang dulo ng bagong papel. Masdan ang pagdami ng iyong dugtung-dugtong na pagmamahal! Maaari mo pang dagdagan ang iyong kawing ng paglilingkod pagkaraan ng Pebrero.