2014
Bakit napakahalagang maglingkod sa iba?
Pebrero 2014


Natatanging Saksi

Bakit napakahalagang maglingkod sa iba?

Mula sa “Maging Sabik sa Paggawa,” Liahona, Nob. 2012, 29–31.

Larawan
Elder M. Russell Ballard

Ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ay mga natatanging saksi ni Jesucristo.

Sa maraming pagkakataon ay sinasagot ng Ama sa Langit ang mga panalangin ng ibang tao sa pamamagitan natin—sa pamamagitan ko at ninyo.

Itinuro ni Jesucristo na dapat nating mahalin ang Diyos at mahalin at pangalagaan ang ating kapwa.

Kung ginagawa nating lahat ang simple at araw-araw na paglilingkod, mapapabuti at mapangangalagaan natin ang mundo sa pamamagitan ng pag-asa at pag-ibig.

Manalangin sa Ama sa Langit tuwing umaga para matukoy ang mga pagkakataong maglingkod. Saka humayo sa buong maghapon at maghanap ng matutulungan.