2014
Mahal KAYO ng Ama sa Langit
Pebrero 2014


Mahal KAYO ng Ama sa Langit

Mula sa “Hindi Tayo Kailanman Nag-iisa,” Liahona, Nob. 2013, 124.

Larawan

Mahal kayo ng Ama sa Langit—bawat isa sa inyo. Ang pagmamahal na iyan ay hindi nagbabago.

Hindi ito naiimpluwensyahan ng inyong hitsura o mga ari-arian.

Hindi ito nababago ng inyong mga talento at kakayahan. Basta nariyan lang ito.

Nariyan ito para sa inyo kapag kayo ay malungkot o masaya, pinanghihinaan ng loob o umaasa.

Ang pag-ibig ng Diyos ay nariyan para sa inyo marapat man kayong mahalin o hindi. Basta nariyan lang ito palagi.