2014
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Pebrero 2014


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

“Noe,” pahina 10: Isiping isalaysay ang kuwento ni Noe gamit ang mga shadow puppet. Sa isang madilim na silid, ilawan (ng flashlight o iba pang pang-ilaw) ang dingding. Magagamit ninyo ng inyong pamilya ang inyong mga braso at kamay upang gumawa ng mga anino sa dingding para magkuwento tungkol sa bangka, mga hayop, ulan, kalapati, at bahaghari. Isiping tapusin ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paraan na masusunod natin ang ating mga buhay na propeta ngayon at sa pagkanta ng “Propeta’y Sundin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 58–59) o isa pang awitin tungkol sa mga propeta.

“Pinakamabuting Pamilya Magpakailanman,” pahina 68: Isiping magdaos ng isang aktibidad na magpapatibay sa pagkakaibigan ng mga miyembro ng pamilya. Maaari kayong magpintura, tulad ng ginawa nina Olivia at Jane, o gumawa ng ibang proyekto. Pagkatapos, maaari ninyong talakayin kung paano harapin ang pamimilit ng barkada at pag-isipan ang mga pagpapala ng pagkakaroon ng matibay na pagkakaibigan sa inyong pamilya. Maaari ninyong pag-usapan ang mga tao mula sa mga banal na kasulatan na napalakas ng pakikipagkaibigan sa mga kapamilya: halimbawa, sina Maria at Elisabet, Nephi at Sam, at Joseph at Hyrum Smith.

Sa Inyong Wika

Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.