Tuwirang Sagot
Bakit may Simbahan ang Panginoon?
Ang layunin ng Simbahan ni Cristo ay “tulungan ang mga indibiduwal at pamilya na tumulong sa Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng kaligtasan at kadakilaan.” Ang layunin ng Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay tumutulong para “gawing marapat ang [mga anak ng Diyos] para sa pinakamataas na antas ng kaluwalhatian, na kadakilaan o buhay na walang hanggan.”
“[Ang Tagapagligtas ay inatasan ang simbahan na] isagawa ang Kanyang mga layunin—pangangaral ng Kanyang ebanghelyo, pag-aalay ng Kanyang mga ordenansa at tipan, at paggawa ng paraan para mabigyang-katwiran [at mapabanal] ng Kanyang kapangyarihan.”
Ang mga miyembro ng Simbahan ay may access sa kapangyarihan at mga pagpapala ni Jesucristo sa pamamagitan ng awtoridad at mga susi ng priesthood, mga tipan at ordenansa, patnubay ng propeta, mga banal na kasulatan, at isang komunidad ng mga Banal.
Inutusan din ang Simbahan: “Bumangon at magliwanag, nang ang inyong liwanag ay maging isang sagisag sa mga bansa” (Doktrina at mga Tipan 115:5).
Sinisikap ng mga miyembro ng Simbahan na “magliwanag” sa pamamagitan ng pamumuhay ng ebanghelyo, pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo, pagtipon sa mga pamilya para sa kawalang-hanggan, at pangangalaga sa mga mahihirap at nangangailangan. Ito ang gawain ng Diyos ukol sa kaligtasan at kadakilaan.