Para sa Lakas ng mga Kabataan
Mga Kamay na Nagpapagaling
Para sa Lakas ng mga Kabataan Oktubre 2025


Mga Tinig ng mga Kabataan

Mga Kamay na Nagpapagaling

young women

Larawang-guhit ni Katelyn Budge

Nagising ako nang napakaaga isang Sabado, na kakaiba—karaniwan akong natutulog nang mahaba. Pero nakaramdam ako ng agarang pahiwatig na bumaba ng hagdan, na parang inaakay ako.

Mag-isa lang ang nanay ko sa baba. Nalaman ko na nakunan siya nang umagang iyon, kaya umiyak akong kasama niya at minasahe ko ang kanyang balikat at mga paa. Sa kabila ng kalungkutan, nakadama ako ng kapayapaan. Tahimik ang isipan ko, at naging kalmado at napanatag ako.

Sinabi sa akin ng nanay ko na mayroon akong mga kamay na nakapagpapagaling, dahil nasiyahan at napayapa siya ng aking masahe. Lubos akong nagpapasalamat na naaliw ko siya at natutuhan ko kung ano ang pakiramdam ng paggabay ng Espiritu.

Itinuro sa akin ng karanasang ito na hindi ko kailangang gumawa ng mga pambihirang bagay para maglingkod sa iba. Kailangan ko lang talikuran ang aking pagmamataas at pag-aalala at magpokus sa pag-ibig ng Diyos, at gagamitin Niya ako upang maging Kanyang mga kamay at dalhin ang Kanyang liwanag sa ibang tao.

dalagita

Madison B., edad 17, New South Wales, Australia

Gustung-gusto niya ang pagguhit, pagpipinta, at malikhaing pagsusulat.