Mga Tinig ng mga Kabataan
Ang Pahiwatig sa Play Audition
Larawang-guhit ni Katelyn Budge
Labis akong kinabahan noong mag-audition para sa aking unang play o dula, kaya nagdasal ako at hiniling na sana ay maibigay sa akin ang partikular na papel na gusto ko. Habang nagdarasal ako, nadama ko na dapat kong itama ang sarili ko, kaya idinagdag ko, “Kung hindi po ang papel na gusto ko, ibigay po sana Ninyo ang papel na kailangan ko.”
Maganda ang audition, pero hindi ko nakuha ang part na gusto ko. Mas maliit na papel ang napunta sa akin—na may pagkanta nang solo. Walang ganoon sa role o papel na gusto ko. Nagtiwala ako sa Diyos at tinanggap ko ang mas maliit na bahagi, at nagustuhan ko ito! Hindi ko alam kung matutuklasan ko ang hilig ko sa teatro kung nakuha ko ang papel na gusto ko.
Natutuwa ako na nakinig ako sa pahiwatig na iyon. Pinalakas nito ang ugnayan ko sa Ama sa Langit na ipaubaya ang sarili ko sa Kanyang mga kamay at sabihin na tatanggapin ko ang anumang bahagi na ibibigay sa akin.
JJ J., edad 17, Tennessee, USA
Mahilig sa teatro at rollerblading