Para sa Lakas ng mga Kabataan
Lakas na Itigil ang Pagkukumpara
Para sa Lakas ng mga Kabataan Oktubre 2025


Mga Tinig ng mga Kabataan

Lakas na Itigil ang Pagkukumpara

dalagita

Larawang-guhit ni Katelyn Budge

Minsan ikinukumpara ko ang sarili ko sa iba at nasasaktan ako na hindi ako kasing-ganda o “perpekto” na tulad nila. Dahil dito, dumaan ako sa ilang matitinding pagsubok sa isip at damdamin. Naghanap ako ng resources sa internet para malampasan ang mga ito, pero wala akong mahanap na nakatulong.

Isang araw nagdesisyon ako, “Kailangan ko lang lumuhod at manalangin, dahil may isang tao sa itaas na makakayakap sa akin nang husto.” Kaya umasa ako sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at taimtim akong nanalangin.

Nang gawin ko ito, naalala ko na nilikha ako ng Ama sa Langit na kaiba sa ibang tao at ayon sa Kanyang wangis, kaya kailangan kong pahalagahan ang sarili ko. Ipinadala Niya ako rito para sa isang layunin, at natutuwa ako na narito ako sa lupa! Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ipinaalala Niya sa akin na higit pa ako sa inaakala ko, at iyon ang nagbigay sa akin ng lakas.

Nagpasiya akong layuan ang social media at tiyakin na napapalibutan ako ng tamang mga tao—mga taong nagpakita sa akin ng pagmamahal na tulad ng kay Cristo. Lubos akong nagpapasalamat sa mga kaibigan ko sa klase ko sa Young Women dahil liwanag sila sa akin. Kapag pinupuna ko ang sarili ko, ipinapaalala nila sa akin na maganda ako at may halaga ako.

Ikinukumpara ko pa rin ang sarili ko sa iba kung minsan. Pero sa tuwing nagdarasal ako, isang mahinahon at banayad na tinig ang nagsasabi sa akin na, “Amara, maganda ka.”

Si Jesucristo ang aking Manunubos at matalik na kaibigan. Palagi Siyang nariyan para sa akin, kahit na pakiramdam ko ay hindi ko Siya palaging naaalala tulad ng dapat kong gawin. Alam kong mahal Niya ako at ng Ama sa Langit, at mahal ko Sila. Sa tingin ko hindi ko madarama sa ibang lugar ang uri ng pagmamahal na ibinibigay Nila sa akin.

dalagita

Amara M., edad 16, Swansea, Wales

Gustung-gusto niyang sumayaw, tumugtog ng ukulele at gitara, at palagi siyang nasa labas.