Digital Lamang: Kumonekta
Pilar T.
16, Guatemala Department, Guatemala
Gustung-gusto kong tumatanggap ng calling sa Young Women. Nalaman ko lalo ang mga pananaw ng bawat isa sa mga kabataang babae. Sinikap kong makuha ang kanilang tiwala, at ang natanto ko noong maging kaibigan ko ang bawat isa sa kanila ay marami sa kanila ang may mga problema na hindi ko alam.
Sa palagay ko ibinigay na sa atin ng Ama sa Langit ang lahat ng kasangkapan na kailangan natin. Siya talaga ang ating Ama. Kilala Niya tayo, at alam Niya kung ano ang kaya nating gawin. Sa mga banal na kasulatan, natutuhan natin na palalakasin tayo ng Diyos sa ating mga pagsubok. Makadarama tayo ng pasasalamat dahil alam ng Ama sa Langit na malakas tayo at matutulungan Niya tayong matuto at makayanan ito.
Kung nahihirapan ka, manalangin sa iyong Ama sa Langit at humingi ng tulong sa Kanya. Gagabayan ka Niya.