Access sa Lahat
Si Jesus ay maaaring magbigay sa iyo ng access sa higit pa kaysa sa iniisip mo.
Tingnan mo ang mga paglalarawan na ito. Ano ang pareho sa mga ito?
Pampublikong Parke
Mga larawang-guhit ni Alyssa Tallent
Tiket
Mga Awtorisadong Tauhan Lamang
User Name/Password
Sa isang salita, ang mga larawang ito ay tungkol lahat sa pag-access. Ang ibig sabihin ng access ay maaari o pinapayagan tayong pumasok sa isang lugar, lumapit sa isang tao o isang bagay, o gamitin o makinabang mula sa isang bagay.
Kamakailan lang, maraming itinuro ang mga lider ng Simbahan tungkol sa access. Marami silang sinabi tulad ng isang ito na mula kay Pangulong Russell M. Nelson:
Kaya, tingnan natin nang mas mabuti ang kahulugan ng access sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo.
Ipinagkaloob ni Jesucristo ang Pag-access
Sa pamamagitan lamang ni Jesucristo tayo magkakaroon ng access o makakamit ang pinakamalalaking pagpapala ng Diyos sa buhay na ito at sa kabilang-buhay. Ginamit ni propetang Jacob ang isang imahe na naglalarawan sa papel na ginagampanan ng Tagapagligtas na magbigay ng access:
Tanod sa Pasukan
“Ang daan para sa tao ay makipot, ngunit ito’y nasa isang tuwid na daraanan sa harapan niya, at ang Banal ng Israel ang tanod ng pasukan; at wala siyang inuupahang tagapaglingkod doon; at walang ibang daan maliban sa pasukan” (2 Nephi 9:41).
Ano ang pasukan na ito? Ipinaliwanag ng propetang si Nephi:
“Ang pasukang inyong dapat pasukin ay pagsisisi at binyag sa pamamagitan ng tubig; at pagkatapos darating ang kapatawaran ng inyong mga kasalanan sa pamamagitan ng apoy at ng Espiritu Santo” (2 Nephi 31:17).
At sa kabila ng gate? Ano ang ibinibigay na access sa atin ni Cristo? Sinabi ni Nephi:
“At pagkatapos, kayo ay nasa makipot at makitid na landas na patungo sa buhay na walang hanggan” (2 Nephi 31:18).
Lumalapit tayo sa Tagapagligtas at pumapasok sa landas na ito sa pamamagitan ng:
-
Pagsampalataya sa Kanya.
-
Pagsisisi.
-
Mga ordenansa at tipan.
-
Pagsunod.
-
Pagiging tapat hanggang wakas.
Ang buhay na walang hanggan ang ibinibigay na access sa atin ni Jesucristo sa huli. Ngunit marami ring mga pagpapala ang binubuksan Niya para sa atin sa buhay na ito, habang tayo ay nasa landas.
Iba’t ibang Antas ng Pag-access sa Kapangyarihan ng Diyos
Nais ng Ama sa Langit na bigyan ng kabuuang pagpapala ang lahat, pero hindi Niya ipipilit ang mga ito sa atin. Ang mga pagpapala na natatanggap natin ay batay sa antas ng pag-access na nais natin at handa nating paghirapan para makamit.
Ilang Bagay na Kayang Ma-access ng Lahat
Tulad ng isang pampublikong parke, may ilang pagpapala mula sa Diyos na maa-access ng lahat—hindi kailangan ng espesyal na pahintulot.
Halimbawa, ang lahat ay may access sa:
Ilang Bagay na Naa-access Lamang sa Pamamagitan ng mga Tipan
Tulad ng isang kaganapan kung saan kailangan mo ng tiket, may mga pagpapala na may espesyal na access ang ilang tao dahil gusto nila ito at ginawa nila ang kinakailangan para makuha ito.
Ang mga gumagawa at tumutupad ng mga tipan sa binyag ay maaaring makatanggap ng mga pagpapala na tulad ng:
-
Paglilinis sa pamamagitan ng Espiritu Santo at kapatawaran ng mga kasalanan.
-
Ang kaloob na Espiritu Santo at ang Kanyang palagiang pagsama.
-
Mga Kaloob ng Espiritu.
-
Pagdalo sa templo para sa mga binyag at kumpirmasyon (para sa mga magiging 12 taong gulang pataas).
-
Mga patriarchal blessing.
-
Calling o tawag na maglingkod.
Dagdag na Access sa Pamamagitan ng Templo
Habang patuloy kayo sa landas ng tipan, maaari kayong magsagawa ng mga ordenansa sa loob ng templo at gumawa ng mga tipan doon. Itinuro ni Pangulong Nelson ang makapangyarihang mga katotohanan tungkol dito:
Sa pamamagitan ng pagsamba sa templo at mga tipan sa templo, matatanggap ninyo ang:
Ano ang Ibig Sabihin Nito Para sa Iyo?
Sa pamamagitan ng mga tipan, mayroon kang pagkakataon na ma-access ang isang bagay na talagang espesyal. Itinuro ni Pangulong Nelson:
Kapag gumagawa ka ng mga tipan, papasok ka sa isang espesyal na relasyon sa Diyos at magiging isa sa Kanyang mga tao. Pagkatapos ay maaaring mangyari ang mga kamangha-manghang bagay:
Habang sinisikap mong tuparin ang iyong mga tipan, gagawin ng Diyos na:
-
Biyayaan ka ng karagdagang pagmamahal at awa.
-
Patawarin ka kapag nagsisi ka.
-
Tulungan kang mahanap ang daan pabalik sa Kanya kung ikaw ay naligaw ng landas.
-
Hindi kailanman mapagod sa Kanyang mga pagsisikap na tulungan ka.
-
Hindi kailanman maubusan ng maawaing pasensya sa iyo.
-
Gawin ang lahat ng makakaya Niya, nang hindi nilalabag ang inyong kalayaan, para tulungan kang tuparin ang iyong tipan.
Itinuro din ni Pangulong Nelson:
Anong uri ng kapangyarihan ito?
Halimbawa, maaari kang magkaroon ng kapangyarihan na:
Ang Pinakahuling Access
Kaya, anong uri ng access ang gusto mo? Ano ang handa mong gawin para matanggap ito?
Nais ng Ama sa Langit na magkaroon ng mas malapit na relasyon sa iyo at bigyan ka ng mas maraming access sa Kanyang kapangyarihan. Magpatuloy sa landas ng tipan, at ibibigay Niya ito sa iyo. Buong puso Siyang mahalin. Sumunod. Magsisi. Tumanggap ng sakramento. Magpunta sa templo.
Isang araw, habang tinutupad mo ang mga tipan sa templo, bibigyan ka ni Jesucristo ng pinakahuling access sa Ama—na makabalik sa Kanya, maging katulad Niya, at tanggapin ang “lahat ng mayroon [ang] Ama” (Doktrina at mga Tipan 84:38).
Tunay na binibigyan ka Niya ng lahat ng access.