Tuwirang Sagot
Pandaraya ba ang mangopya mula sa internet o artificial intelligence para sa mga gawain sa paaralan?
Ang maikling sagot ay oo.
Literal na pinadadali ng teknolohiya ang pagkuha ng impormasyon. Magandang tool ito para sa pananaliksik at pag-aaral. Pero ang tanong tungkol sa pagkopya mula sa internet o artificial intelligence para sa mga gawain sa paaralan ay di-gaanong tungkol sa kung ano ang maginhawa. Mas tungkol ito sa tunay na layunin ng iyong pag-aaral.
“Nais ng Ama sa Langit na laging natututo ang Kanyang mga anak na babae at lalaki. … Ang edukasyon … ay bahagi ng inyong walang-hanggang mithiin na maging higit na katulad ng Ama sa Langit” (Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili [2022], 31). Ang ganitong uri ng edukasyon ay tungkol sa pagpapaunlad ng iyong isipan at iyong kaalaman. Hindi ito tungkol sa kung ano ang maipapalusot mo para maisakatuparan ang minimum na mga kinakailangan.
At sa tanong tungkol sa pandaraya: Kung sabihan ka ng iyong paaralan o guro na huwag kang mangopya sa internet o artificial intelligence, huwag mong gawin iyon. Kung iatas sa iyo ng iyong guro na sumulat ka ng isang bagay, isulat mo iyon. Kung hindi ka sigurado kung ano ang pinapayagan sa anumang ibinigay na assignment, tanungin ang iyong guro.
“Ang pamumuhay nang may integridad ay nangangahulugan na mahal ninyo ang katotohanan nang buong puso—nang higit kaysa pagmamahal ninyo sa … kaginhawahan” (Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili, 31).