Musika
Huwag Mag-alinlangan
Kunin ang sheet music ng awiting ito mula sa 2025 Youth Theme album.
1. Ang tao kung minsa’y may pagdududa—
Buhay ay tila may pighati.
At bakit ba kaya ang pananaw mo
’Di nagbabago
Muli at muli?
Mayro’ng mas matalino sa ‘ting lahat-—
‘Di dapat sumuko kaagad.
H’wag kang
Mag-alinlangan.
Sa buhay,
Mayro’ng pag-asa.
Ang takot mo’y iwaglit,
At ang himala’y makakamit,
Basta’t magtiwala ka
Sana.
2. Nais natin minsan ay kasagutan
Sa katanungan ng isipan.
At tayo’y narito upang matutuhang
Pagtiwalaan
Ang plano N’ya.
Mayro’ng mas matalino sa ‘ting lahat-—
‘Di dapat sumuko kaagad.
H’wag kang
Mag-alinlangan.
Sa buhay,
Mayro’ng pag-asa.
Ang takot mo’y iwaglit,
At ang himala’y makakamit,
Basta’t magtiwala ka
Sana.
Balang-araw ay ‘yong malalaman
Ang lahat ng Kanyang alam.
Pero ngayon,
H’wag kang
Mag-alinlangan.
Sa buhay,
Mayro’ng pag-asa.
Ang takot mo’y iwaglit,
At ang himala’y makakamit,
Basta’t magtiwala ka
Basta’t magtiwala ka
H’wag kang