Para sa Lakas ng mga Kabataan
Marami akong gagawing malalaking desisyon. Paano ako tatanggap ng personal na paghahayag?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Hulyo 2025


Mga Tanong at mga Sagot

“Marami akong gagawing malalaking desisyon. Paano ako tatanggap ng personal na paghahayag?”

dalagita

“Pag-aralan ang mga positibo at negatibong epekto at piliin kung ano ang magpapanatili sa iyo na nakaayon sa Diyos. Tandaang manalangin bago, habang, at pagkatapos mong magpasiya. Pagtitibayin sa iyo ng Espiritu kung ano ang tama.”

Laneah S., 16, Utah, USA

binatilyo

“Ang pagdarasal at pagbabasa ng mga banal na kasulatan ay makakatulong nang siyento por siyento. Sabi sa mga banal na kasulatan, ‘Humingi kayo, at kayo ay tatanggap.’ Kaya humingi! Pagkatapos ay pagsikapan kung ano ang kailangan mo. Tandaan, laging maglalaan ang Panginoon!”

Parker B., 16, California, USA

binatilyo

“Magtanong sa Ama sa Langit at basahin ang Kanyang mga salita. Abangan kung paano ka tutulungan ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagsulat ng mga pahiwatig araw-araw, at makakahanap ka ng mga huwaran kung paano ka tumatanggap ng personal na paghahayag.”

Caleb A., 18, North Carolina, USA

binatilyo

“Ang Aklat ni Mormon ang isa sa pinakamagagandang kasangkapan natin sa pagtanggap ng personal na paghahayag. Maaari tayong matuto mula sa mga halimbawa ng mga sinaunang propeta.”

João C., 19, São Paulo, Brazil

dalagita

“Kung minsa’y hindi darating kaagad ang sagot sa iyo, at kung minsa’y darating iyon kaagad. Kung minsa’y dumarating ang sagot bilang isang napakaespesyal na pakiramdam o isang awiting naririnig mo sa simbahan. Maaari ding magbigay ng magandang payo ang mga kapamilya at pinagkakatiwalaang kaibigan.”

Anabel V., 12, Utah, USA