Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta
Para sa Lakas ng mga Kabataan Hulyo 2025


Kumonekta

Flavia C.

19, Buenos Aires, Argentina

dalagita

Larawang kuha ni Christina Smith

Kamakailan lang ay naputulan ako ng binti sa isang aksidente sa tren.

Nakaupo ako sa tren nang maramdaman ko na may kumuha ng cell phone ko sa kamay ko—may nagnakaw niyon sa akin. Hindi nag-iisip na hinabol ko ang lalaki sa isang bagon ng tren na walang mga pintuan. Hindi ako sigurado kung ano talaga ang nangyari, pero bigla akong napunta sa ilalim ng tren, at sumisigaw para humingi ng tulong.

Nagising ako sa ospital pagkaraan ng ilang araw. Nalaman ko na naputulan ako ng kanang binti. Habang nasa ospital ako, maraming beses akong umiyak. Pero lagi kong kasama ang aking pamilya, mga kaibigan, at pamilya sa Simbahan, at tinulungan ako.

Alam ko na tinulungan din ako ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Bago ang bawat operasyon, lagi akong nagdarasal nang personal na sana ay maging maayos ang lahat at na hindi ako matakot. Tuwing nawawalan ako ng pag-asa, naroon ang Panginoon.

Patuloy na bumubuti ang lagay ko at nagsisikap akong magpatuloy sa buhay sa tulong ng Tagapagligtas.