Para sa Lakas ng mga Kabataan
Mas Malawak na Pananaw
Para sa Lakas ng mga Kabataan Hulyo 2025


Mas Malawak na Pananaw

Bradley R. Wilcox

Nakapaglaro ka na ba ng game na bakit? Parang ganito iyon:

Bakit ako dapat mag-aral? Para makakuha ka ng magandang trabaho. Bakit ako dapat makakuha ng magandang trabaho? Para makapag-asawa ako at magkaroon ng mga anak. Bakit ko dapat gawin iyan? Para makapag-aral ang mga anak mo.

Pagkatapos ay magsisimulang muli ang game. Parang wala itong saysay kung hindi malawak ang pananaw mo. Mapalad tayong magkaroon niyan. Ang tawag diyan ay plano ng kaligayahan, at binibigyan tayo niyan ng layunin at kahulugan. Binibigyan tayo niyan ng mga dahilan na mahalaga rito at magpakailanman. Tungkol diyan ang isyung ito ng magasing Para sa Lakas ng mga Kabataan.

Sa konteksto ng plano ng Ama sa Langit—at si Jesucristo at ang Kanyang Pagbabayad-sala ang pinakamahalagang bahagi nito—magkakaroon kayo ng hangarin at lakas na maghanda para sa hinaharap. Ang inyong pag-aaral, trabaho, pamilya, at paglilingkod sa Simbahan ay maaaring maging isang malaking pakikipagsapalaran sa halip na isang mabigat na pasanin.

Magagawa ninyo ito dahil sinusuportahan kayo ni Jesucristo!

Nagmamahal,

Bradley R. Wilcox

Unang Tagapayo sa Young Men General Presidency