2025
Kumonekta kay … Eryn C. mula sa Argentina
Para sa Lakas ng mga Kabataan Hulyo 2025


Digital Lamang: Kumonekta

Eryn C.

15, Buenos Aires, Argentina

dalagita

Larawang kuha ni Christina Smith

Sa panahon ng taglamig sa Argentina, talagang napakaginaw sa mga ospital. Naranasan kong makibahagi sa isang aktibidad sa paglilingkod kasama ang kababaihan mula sa aking simbahan. Gumawa kami ng maliliit na kumot para sa mga sanggol at mga bata sa ospital. Napakasaya ng pakiramdam na naroon ako!

Dahil alam ko kung ano ang pakiramdam ng nasa ospital, nadama ko na ito ay isang mahalagang aktibidad para tulungan ang maliliit na bata. Gusto kong isipin na gusto rin ni Jesucristo na makapunta sa ganitong mga aktibidad, na tumutulong sa mga bata.

Para sa akin, ang pagiging disipulo ni Jesucristo ay pagmamahal sa Kanya. Maipapakita natin ang ating pagmamahal sa Kanya sa pamamagitan ng pagtulong sa iba, lalo na dahil palagi rin Niyang tinutulungan ang iba.