Sesyon sa Sabado ng Hapon
Personal na Paghahandang Humarap sa Tagapagligtas
Mga Sipi
Kapag nagsasalita si Pangulong Nelson tungkol sa Ikalawang Pagparito, lagi itong may masayang optimismo. Gayunman, sinabi sa akin ng isang batang babae sa Primary kamakailan na nababalisa siya sa tuwing binabanggit ang Ikalawang Pagparito. Sabi niya, “Natatakot ako dahil ang masasamang bagay ay mangyayari bago dumating muli si Jesus.”
… Ang pinakamainam na payo para sa kanya, para sa iyo, at para sa akin ay sundin ang mga turo ng Tagapagligtas. …
Sa pagtatapos ng Kanyang ministeryo sa mundo, tinanong si Jesucristo kung kailan Siya muling darating. …
Itinuro ng Tagapagligtas ang talinghaga tungkol sa sampung dalaga. …
Ang mahalagang aral sa talinghagang ito tungkol sa sampung birhen ay na tayo ay matalino kapag tinatanggap natin ang ebanghelyo, hinahangad na makasama natin ang Espiritu Santo, at iniiwasan ang panlilinlang. … Kailangan nating gawin ito para sa ating sarili.
At itinuro ng Tapagligtas ang talinghaga tungkol sa mga talento. …
Ang isang mensahe ng talinghagang ito ay na inaasahan ng Diyos na pararamihin natin ang mga kakayahan na ibinigay sa atin, pero hindi Niya nais na ihambing natin ang ating mga kakayahan sa mga kakayahan ng iba. …
Sa huli, ikinuwento ng Tagapagligtas ang talinghaga tungkol sa mga tupa at kambing. …
Ang aral sa talinghaga ng Tagapagligtas tungkol sa mga tupa at kambing ay gagamitin natin ang mga kaloob na ibinigay sa atin—oras, talento, at pagpapala—para paglingkuran ang mga anak ng Ama sa Langit, lalo na ang pinakamahina at nangangailangan.
Ang paanyaya ko sa sabik na batang Primary na binanggit ko kanina, at sa bawat isa sa inyo, ay sundin si Jesucristo at magtiwala sa Espiritu Santo tulad ng pag-aalala ninyo sa isang minamahal na kaibigan.