Sesyon sa Sabado ng Umaga
Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay Nagkakaloob ng Dakilang Pagsagip
Mga Sipi
Ang karanasan ng mga pioneer ay nagkakaloob sa mga Banal sa mga Huling Araw ng natatanging makasaysayang tradisyon at isang makapangyarihang pinagsama-samang espirituwal na pamana. …
Marami sa mga Banal na sakay ng kariton ang nakaranas ng hirap pero nakaiwas sa matitindi at masasamang kaganapan. Ngunit dalawang handcart company, ang Willie company at Martin company, ang nakaranas ng pagkagutom, pagkalantad sa nagyeyelong panahon, at maraming pagkamatay. …
Unang napag-alaman ni Pangulong Brigham Young ang tungkol sa mapanganib na sitwasyon ng mga company na ito noong Oktubre 4, 1856. …
Siya ay humiling sa mga bishop na maglaan ng 60 na mule team, 12 o mahigit pang bagon, at 12 tonelada (10,886 kg) ng harina at nagpahayag na, “Humayo kayo at ihatid ngayon dito ang mga taong iyon sa kapatagan.” …
… Kung hindi kaagad nasagip, malamang na mas marami pa ang namatay. …
Kung wala ang Pagbabayad-sala, hindi natin maililigtas ang ating mga sarili mula sa kasalanan at kamatayan. …
Sa panahong ito ng Pasko ng Pagkabuhay, ang ating tuon ay nasa Tagapagligtas at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo. Ang Pagbabayad-sala ay nagkakaloob ng pag-asa at liwanag sa panahon na para sa marami ay tila madilim at malungkot. …
Magbabahagi ako ng tatlong rekomendasyon na sa palagay ko ay partikular na naaangkop sa ating panahon.
Una, huwag maliitin ang kahalagahan ng paggawa ng makakaya natin upang sagipin ang iba mula sa mga pisikal at lalo na sa mga espirituwal na hamon.
Pangalawa, malugod na tanggapin ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. …
Ang aking pangatlong payo ay na maglaan ng oras upang pagnilayan nang may pananampalataya ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. Maraming paraan upang magawa ito sa ating personal na pagsunod sa relihiyon. Gayunman, ang pagdalo sa sacrament meeting at pagtanggap ng sakramento ay higit na lalong mahalaga.
Kasinghalaga rin nito ang regular na pagdalo sa templo kung maaari. …
… Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay nagkakaloob ng dakilang pagsagip mula sa mga pagsubok na kinakaharap natin sa buhay na ito.